Pilit na Nagbibigay ng Tip

Pilit na Nagbibigay ng Tip

Hindi na bago sa atin ang mga pangyayari na kung saan ay pilit na nagbibigay ng tip ang mga panauhin para sa ating serbisyo. Pero masarap pa rin ibahagi ang ganitong kwento. Katulad ng isang panauhin naming na nagpabalot ng Bolster pillow. Nais kasi niya na kung magagawan ng paraan na nakatayo itong ipe present at lalagyan ng picture ni Lee Min Ho sa itaas na naka sintra board. Nakiusap siya na gawan ko na lamang ng paraan na maitatayo ito kaya kumuha ako ng boxes at pinagdugtong-dugtong ito.
Pumayag naman siya na kahit used boxes na ang gamitin. Ang mahalaga ay magkaroon ng pundasyon dahil babalutan naman ng gift wrapper. Pagkatapos balutan ay pinalagay niya ang picture sa itaas na bahagi para kunwari ay si Lee min Ho daw ito. 50 year old fan daw kasi ang pagbibigyan. Matapos mabalot at lagyan ng ribbon ay masaya si panauhin na naging resulta.
Dahil dito ay pilit akong inaabutan ng 50.00 na pang meryenda raw. Hindi ko ito tinanggap. Nagpasalamat ako at sinabing bumalik na lamang sa amin para mamili ngunit talagang mapilit siya. Hanggang sa paglabas dahil hinatid ko sa sasakyan ang pinabalot dahil malaki ito. Pilit pa rin niya akong binibigyan kahit anong sabihin kong pagtanggi naroon na, na kinuha na niya ang kamay ko upang ibigay iyon. Dahil talagang mapilit siya at pinagtitinginan na kami ng mga tao ay sinabi kong ihuhulog ko na lang po ito sa PGH can. Ngumiti na lamang siya at muling nagpasalamat. Pagbalik sa tindahan ay agad ko itong inihulog sa PGH can at pina-witness kay SG Aris Acosta.